Valerie Concepcion, excited sa pagsakay sa jet ni Willie Revillame – Morly Alinio

NOONG LUNES AY muling napanood na si Willie Revillame sa Wowowee.

Tinangka naming kausapin ang TV host subalit bigo kami kasama ang ilang pang movie press at ang dahilan ay pagod pa raw ang kontrobersiyal na TV host na hindi na  bagong alibi para sa amin. Mahirap naman talagang mainterbyu si Willie.

At dahil ‘di nakipag usap si Willie ay ang dalawang co-host na lang niya ang aming ininterbyu.

Ayon kay Mariel ay labis niyang na- miss si Willie. “Iba pa rin siyempre ‘yung nandiyan siya, mapi-feel mo ‘yung sobrang energy at saya ng show,” say ni Mariel. At ngayong balik normal na ang Wowowee ay tiyak na magtatabaan silang muli.” Parang laging fiesta sa room ni Kuya, ang dami-daming pagkain talaga kaya nga nu’ng mawala siya ng kung ilang linggo ay nagpayatan

kaming lahat.”

Iba naman ang drama ni Valerie Concepcion. Gusto  niyang masubukan na sumakay sa bibilhing jet ni Willie. “Nu’ng  bumili siya ng yate ay isinakay niya kami kaya at this time,  kapag bumili iya ng jet ay tiyak na makakasakay rin kami at  very excited na ako,” tsika ni Valarie na nagsabing ‘di pa sila nagkakausap ni Willie mula nang dumating dahil hindi raw sila nag-abot nito nu’ng rehearsal.

Hindi nakalusot sina Valerie at Mariel sa guwardiya ng Wowowee dahil maging sila ay pinagbawalang mag-stay sa pasilyo kaya agad na naputol ang aming interbyu.

Melissa Ricks, todo deny

“HINDI AKO BUNTIS!” Ito ang tili ni Melissa Ricks nang makausap namin sa NAIA. Paano siya magbubuntis ay hindi naman daw siya Santa para magdalang-tao ng walang ama.

“My God Paano ako magbubuntis,e, wala nga  akong boyfriend. Siguro kailangang magkaroon muna ako ng boyfriend bago ako magbuntis.”

Ayon kay Melissa, hindi siya kaladkaring babae para  magpabuntis na lang. “Diyos ko, mapapatay ako ng parents ko kapag nanangyari iyon sa akin. Hindi naman sa nakakahiya pero ayoko talaga, hindi ako papayag” sabi pang dalaga na mariing itinanggi na si Jake Cuenca ang ama ng kanyang dinadala.“

My God, hindi kami mag-boyfriend at wala kaming relasyon, paanong siya ang magiging ama?”

“Tumaba lang siguro ako at nagpagupit kaya akala ng iba ay buntis na ako!”

JC de Vera, inagawan ni Dingdong Dantes

MALUNGKOT SI JC de Vera dahil matapos magkaroon ng problema ang kanyang manager na si Annabelle Rama kay Wilma Galvante ng GMA-7 ay tila napabayaan na ang kanyang career at hindi na siya nabigyan pa ng magandang programa sa  nasabing station. Puna ng marami, mas nabibigyan daw ngayon ng break si Aljur Abrenica gayong  kung tutuusin ay mas magaling at mas guwapo si JC kesa sa ka-love team ni Kris Bernal.

Ang Stairway to Heaven nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos ay dapat pala ay para kay JC pero dahil sa pulitika sa loob ng Siyete ay napunta na ngayon kay Dingdong. Kung matatandaan ay mas naging click ang working team noon nina Rhian at JC nang gawin nila ang Lalola.

At dahil napapabayaan na si JC sa Siyete ay marami ang nagsasabing baka tuluyang lumipat na ito sa Dos dahil feeling ng binata ay walang mangyayari sa sinimulan niyang paghihirap sa channel 7.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

14 thoughts on “Valerie Concepcion, excited sa pagsakay sa jet ni Willie Revillame – Morly Alinio

  1. JC TELL UR MANAGER TO OBER DA BAKOD NA FOR NEW ATMOSPHERE NAMAN.SA GMA DI MASYADO ANG EXPOSURE MO AROUND THE GLOBE JUST LIKE HEART SINCE LEAVING ABS NOW THEY HARDLY KNOW WHAT TYPE PROJECTS SHE’S INTO AT YUNG LOVETEAM NILA SA GMA DI NAMAN GANUN KA HOT,MABENTA LANG SA FEW FANS.MAY TALENT SI JC PERO DI NABIBIGYAN NG BIG BREAKS,MALAY MO PAG SA ABS KNA MATIPUHAN KA NI SAM AT PIOLO NA GAWING LOVE INTEREST NILA,HAHAHA!

  2. kung ayaw nyo kay willie bakit pa kayo mag aaksaya ng panahon na panoorin ang wowowee??? hahhahahaha waaaaaaaaahaaaaaaaaaa,,,,manood nalang kau ng Eat bulaga para tataas ang rating nila,,hahaha,,,pero,,no matter wat u say guys,,(INsecure) talaga kayo sa ABS hahahahah

    Go go go Wowoweee sinong di mawiwillie hahahaha,,,,
    Inggit lang kayo sa WOWOWEE,,,hahaha

  3. Go JC.. lipat ka na sa ABS.. gagawin ka nilang “aktor”.. tingnan mo na lang c Jake Cuenca.. alang mangyayari sa career mo jan sa shit-e.. eh unless na lang if favorite ka nila..haha

  4. plastik ni mariel feeling sikat pasigaw sigaw pa sa mga staff nila ang pangit naman mas maganda pa si valerie na pinagkaisahan nilang 3 ni pokwang aswang at rr pokpok!!

    itong si JC sinungaling feelingero naman nakarama ka na dahil sa pagdikit mo kay anabil!! magpatangkad ka muna..

  5. Mariel, naunsiyami ang pangarap na maging main host nang Wowowee. Bumalik kasi si Willie. Nakapag practice na nga si Bobita. Nanigaw nang nanigaw nang production staff habang wala si Willie. Siguro, para hindi ma miss nang staff si Willie.

  6. malamang manyakin ni willie yang si valerie sa jet nya..hehehe.

    kanina nga sa wowowee, puro tyansing inabot kay willie nung kontestant sa hephep horrayyy eh….

    hay , naku willie mag bago ka na….

Leave a Reply

Your email address will not be published.