Valerie Concepcion at Willie Revillame nagkukulong sa dressing room? – Archie de Calma

MANIGAS NA LANG daw ang mga gumagawa-gawa ng tsismis kina Valerie Concepcion at Willie Revillame. Aware pala talaga si Valerie na nagiging laman sila ng blind items ni Will dahil pagkatapos daw ng Wowowee ay ugali na nilang magkulong sa dressing room ng kontrobersyal na TV host.

“Hindi lang nila alam na parang kuya ko na siya,” ani Valerie. “He cares so much about me, kaya naman pinapahalagahan ko ‘yung mga paalala niya, na kailangang mag-ipon daw ako para sa kinabukasan ng anak kong si Fiona. Malaking bagay ‘yung ganoon, e.

“Kaya wala akong pakialam sa mga sinasabi ng iba, kung nilalagyan man nila ng malisya ‘yun!” sabi pa niya.

Eksaherado raw ‘yung chikang nagkukulong sila sa dressing room ni Will. Inaamin ni Valerie na kapag magpapaalam na siya kay Will pagkatapos ng live telecast nila, natural lang na puntahan niya si Will sa dressing room nito.

[ad#post-ad-box]

“Nag-uusap pa siyempre kami. Alangan din kasing siya pa ang pumunta sa dressing room namin. Sina Pokwang, Mariel (Rodriguez) and the others, nagpupunta  rin sa dressing room niya to make paalam,” paliwanag ni Valerie.

Kasama sina RR Enriquez at Valerie sa November 15 show ng Wowowee sa Las Vegas. Last time daw, hindi sila nakasama to give way to the six female dancers na kailangang isama sa Lake Tahoe and Seattle shows nila sa U.S.

TWO YEARS AGO pa palang nagawa ni Gwen Garci ang indie film na Ang Beerhouse na pinrodyus ni Joel Torre para sa Pabrika Pictures at Pelikula, sa direksyon ni Jon Red. Isinali ito sa nakaraang Cinemanila Filmfest kaya naman naipalabas na finally.

Hudyat nga raw ito ng pagbabalik din ni Gwen sa Viva. Walang ideya si Gwen na mag-a-active daw nang husto ang Viva sa susunod na taon kaya bumalik siya sa management ng kumpanya. Tinanong din namin kung ano ang nangyari sa deal nila ni Manny Valera na buong akala namin ay magpapatuloy na mag-manage sa kanya.

Parang may attempt si Gwen na ilihim ang mga tunay na rason, pero wala siyang sinasbi kung hindi pasasalamat at utang na loob pa rin kay Manny V. Lagi lang kasi niyang sinasabi na ang feeling niya, nawala na lang talaga siya sa eksena, at nang magpa-release siya sa five years na kontratang pinirmahan niya kay Manny V, nagpaubaya naman agad ang manager.

Well, we just hope na may magandang mangyari na sa career ni Gwen this time ngayong balik-Viva siya, at mayroon naman dawmga proyektong naiplano na para sa kanya.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

5 thoughts on “Valerie Concepcion at Willie Revillame nagkukulong sa dressing room? – Archie de Calma

  1. Bakit yung mga issue ng corruption kay villar ang sumasagot yung nanay nyang sobrang tanda na at yung anak nyang pacute hehehe ngayon nagtatago namn sa press

    ITO BA ANG KLASE NG MGA TAONG MAMUMUNO SA PILIPINAS? walang bayag hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.