Valerie Concepcion at Dondon Hontiveros, hiwalay na?!

HINDI TOTOO ANG balitang lilipat na sa ibang TV network si Valerie Concepcion. ‘Yan ang pinatotohanan ni Valerie nang makausap namin siya sa kakatapos lang na FHM party sa NBC tent noong isang linggo. “Talaga? Paano mangyayari ‘yun, e, kapipirma ko lang ulit sa Wowowee?” Patanong na sagot ng TV host. Pumirma siya ulit ng 6-month contract sa Wowowee pero non-exclusive naman sa network. Nilinaw ni Valerie na puwede siyang gumawa ng proyekto sa ibang network, p’wera lang sa isang noontime variety show na direct competitor ng Wowowee.

Inusisa naman namin si Val kung bakit solo siyang dumating sa event, kung bakit hindi niya kasama ang kanyang boyfriend na basketbolistang si Dondon Hontiveros.

Malaman ang mga sagot ni Valerie at malakas ang kutob naming may ‘something fishy’ sa relasyon ngayon ng dalawa. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Val, at umiwas na lang sa mga tanong tungkol sa kanyang lovelife.

Ganoon?

Iwas din si Cristine Reyes sa isyung nagpalagay siya ng bagong tattoo sa kanyang kaliwang pulso para takpan daw ang mga suicidal marks na nailagay niya. Wala na raw punto para pag-usapan pa iyon dahil wala naman daw iyon. Ni ayaw ipakita ni Cristine ang kanyang kaliwang kamay para hindi na ito mausisa pa.

Mas excited ngayon si Cristine sa kanyang upcoming project na Precious Hearts Romances Presents Cristine Series kung saan makakasama niya sina Zanjoe Marudo, Denise Laurel at Rafael Rossell. Matindi at mainit ang kanilang naging pictorial nitong linggo lang at nakakaloka dahil topless kung topless ang mga boys at super sexy outfit naman ang girls.

Magsisimula raw sila sa kanilang taping after ng Holy Week at nang ASAPXV live show sa Boracay ngayong linggo.

MASAYA AT SUPER sizzling ang episode ng Us Girls mamayang gabi. Lilibot sina Iya Villania, Chesca Garcia at Angel Aquino sa iba’t ibang lugar para ma-experience ang iba-ibang activities ngayong summer.

Nagpunta pa sa Subic si Chesca para subukan ang Tree Top Adventure kung saan lakas-loob siyang nag-dive mula sa isang 60-ft na puno pababa! Pinagbigyan naman kami nina Teddy ng Rocksteddy at Bianca Manalo at nagpakita sila ng kani-kanilang mga collection.

Mamayang gabi na ‘yan sa Us Girls, 8 P.M. sa Studio23! Nood kayo, ha? And check n’yo na rin ang Facebook fan page ng Us Girls.

4 thoughts on “Valerie Concepcion at Dondon Hontiveros, hiwalay na?!

  1. kadirisivivapinata yung US GIRLS sa studio 23 lifestyle show pang AB crowd kaya cguro di mo alam puro ka siguro telenovela, pero di rin kita masisise kasi baka di mo rin maintindihan yung show kasi english

  2. Magpapalabas na naman ng kahalayan ang ABS sa precious hearts romance? Dapat ang show na iyan pang alas dose ng gabi. Para walang batang manunood.

  3. ganun totoo ba yan nagsuicide c kristine etong batang ito hello dahil s lalaki…….so babaw ha di ba niya alam na sobrang blessed cya icompare niya kali yung buhay niya s iba tapos try niya magsuicide baka baukan ko cya…