Valenzuela, pugad ng kasamaan at kalaswaan

HANGGANG SA KASALUKUYAN ay wala pa rin umanong ginagawang aksiyon si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian laban sa hindi mapigilang paglala ng mga illegal vices, kriminalidad at droga sa nasabing lungsod.

Ayon sa mga dismayadong residente sa iba’t ibang barangay, talamak umano ang operasyon ng sugal nina Lolo Pangoy, Boy Edmond at ang operasyon ng bookies ng karera ni Danny “Kamote” Estanislao na centralized sa nasabing lungsod.

Ang mga nasabing gambling lord umano ay pawang mga “untouchabes” na hindi puwedeng gambalain ang kanilang iligal na operasyon dahil malaking halaga umano ang ibinibigay nilang “tong” sa Valenzuela police sa pamumuno ni Sr. Supt. Eric Serafin Reyes.

Lubos ang pangamba ng mga residente sa pagkalat ng kinatatakutang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at iba pang kahalintulad na sakit na nagmumula sa mga babaeng guest relation officer (GRO) ng iba’t ibang beerhouse na prente ng putahan at nagpapalabas na malalaswang panoorin.

Sinabi pa ng mga residente na natutulog lamang umano sa pansitan sina Gatchalian at Reyes sa dahilang wala silang aksiyon para masawata ang mga iligal sa kanilang lugar.

Ayon sa isang nagpakilalang Mang Tomas, 67, taga-Arkong Bato, wala rin umanong ginagawang aksiyon sina Gatchalian at Reyes sa lumalalang problema sa droga at kriminalidad.

Ang mga kaganapang ito ay nagpapakita lamang na talaga umanong walang kakayahan sina Gatchalian at Reyes para masugpo ang mga illegal vices sa lugar na lublob umano sa kasamaan at kalaswaan, wika pa ng mga residente.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.