Valenzuela City, pabor sa operasyon ng Jueteng

PABOR UMANO ANG Valenzuela City government, Northern Police District (NPD) at ang local police station na magkaroon ng operasyon ng Jueteng at iba pang uri ng sugal sa Valenzuela City.

Base sa nakalap ng impormasyon ng Pinoy Parazzi, isa umanong Ed Pineda ang magmamantine ngayon ng Jueteng habang isang Boy Edmond naman ang nag-o-operate ng EZ-2, Lotteng at Ending sa nabanggit na lungsod.

Ang pa-Jueteng ni Pineda ay tatlong beses sa isang araw kung bolahin ang mananalong kumbinasyon, kung saan mahigit sa P1 milyon ang halaga ng salapi ang nagiging kubransa kada araw.

Nadidismaya tuloy ang mga residente ng Valenzuela sa kanilang mayor na si Sherwin Gatchalian sa dahilang hindi umano ito gumagawa ng aksiyon laban sa mga nabanggit na sugal.

Ayon sa mga residente, maging ang hepe ng kapulisan ng nasabing lungsod na si Wilben Mayor ay wala umanong kaaksiyon-aksiyon para masugpo ang mga nagkalat na sugal sa kanyang nasasakuna.

“Ang mayor at ang hepe ng pulis ay parehong nagpapalaki ng kanilang tiyan sa kanilang opisina na hindi man lamang umano inaalintana kung magumon ang mga residente sa su-gal,” wika pa ng mga residente.

Ayon pa sa source, nagsisilbi u-manong isang “dekorasyon” lamang si Mayor dahil hindi umano ito makapalag sa operasyon ng Jueteng sa kanyang lugar na may basbas umano ng NPD.

Idinagdag pa ng impormante, isang Buboy Melendres na tauhan umano ni Chief Supt. Gil Meneses ng Police Regional Office 4 ang siya umanong tumatayong “bagman” ni Pineda.

Habang isang Sarhento Jojo Cruz naman na nakatalaga sa Northern Police District (NPD) ang kausap ni Pineda para makapag-operate ng Jueteng sa Valenzuela City.

Laganap din ang operasyon ng sakla ni Lolo Pengoy, EZ-2, lotteng at ending ang ino-operate naman ni Boy Edmond na hindi kayang lansagin ni Gatchalian, NPD at Valenzuela City PNP.                      (ROMAN MAGPOC)

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.