Valenzuela City Mayor inendorso sa DILG post

ISANG MALAWAKANG pambansang organisasyon ang nag-endorso kahapon kay Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian bilang kapalit ng pumanaw na DILG Secretary Jesse Robredo.

Sa isang resolusyong pinadala kay President Noynoy Aquino, sinabi ng Advocates of Good Local Governance (AGLG) na ang track record ni Gatchalian bilang dating mambabatas at three-time mayor ng Valenzuela City ay sapat na credential sa posisyon. “Kagaya ni Robredo, napaunlad ni Gatchalian ang siyudad para maging isang highly-urbanized commercial and industrial center sa Metro Manila. Isa siyang effective at conscientious leader na mahal at malapit ang puso sa mga tao,” dagdag ng resolusyon.

Ang AGLG ay binubuo ng mga dating pangulo at opis-yales ng League of Cities of the Philippines at iba pang socio-civic organizations na may tinatayang mahigit 10,000 kasapi.

Bago maging lingkod-bayan, si Gatchalian ay top executive ng ilang pribadong kumpanya. Naging kongresista siya ng 3rd district ng Valenzuela noong 2001. Inakda niya ang maraming panukala at batas tungkol sa proteksiyon ng migrant workers, pagtatayo ng centers laban sa illegal recruitment at legislative measures para sa kaunlaran ng kanyang siyudad.  Siya ngayon ay nasa ikatlong termino bilang alkal-de.

Diniin ng AGLG officials na pinamumunuan ni Camilo C. Calingasan na si Gatchalian ay karapat-dapat sa DILG position. Si Gatchalian ay graduate ng Business Administration sa Boston University sa Massachusetts at nagtapos ng Advanced Studies in Corporate Finance sa Euromoney Institute of Finance sa New York.

Binanggit pa ng organisasyon na ginamit ni Gatchalian ang kanyang husay at karanasan upang mapalago ang kita ng siyudad mula P900-million nang una siyang umupo noong 2004 hanggang P2.1-billion sa kalagitnaan ng kanyang pangalawang termino noong 2009.

Ang kanyang mga gawaing medical missions, feeding programs, youth outreach programs, pagbibigay ng scholarship grants, at pagtugon sa pangangailangan tuwing may kalamidad ay labis na pinasasalamatan ng kanyang constituents.

Upang mapuksa ang katiwalian, ini-streamline at sinimplify ni Gatchalian ang mga transaksyon at pinagsama-sama niya ang mga mahaha-

lagang teknolohiya sa government procedures. Pinagbuti pa niya ang tax collection na nagbunga ng dagdag na tiwala ng taxpayers sa kanyang administrasyon.

Kabilang sa infrastructure projects ni Gatchalian ang P90-million Ligunan-Lawang Bato overpass para sa vehicular at pedestrian traffic. Ito’y nag-uugnay sa silangan at kanlurang bahagi ng Valenzuela na dating nahiwalay ng North Luzon Expressway (NLEX). Nagtayo rin siya ng bagong government complex na kinabibilangan ng bagong executive building, finance center, police headquarters, people’s center at legislative building na kinaroroonan ng mga opisina ng City Council at Vice Mayor. Ipinaayos din niya ang lumang gusali ng city hall na ginawang Valenzuela Hall of Justice.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.