Valeen Montenegro, third party raw sa hiwalayang Ciara Sotto-Jojo Oconer

Valeen-MontenegroNoong una blind item ang ginawa ko sa Facebook account ko tungkol sa pag-aalsa-balutan ng isang aktres sa bahay nila ng kanyang mister na ang dahilan ay ang babaeng kinakalantari ng mister niya na may initial na Valeen Montenegro.

After a few days, hayun, natuluyan na. Si Ciara Sotto, sa kanyang Instagram account ay nag-post na at kinumpirma ang pag-alis niya sa bahay nila ng mister niyang si Jojo Oconer at umuwi sa bahay ng mga magulang na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa sa White Plains.

Matiisin pala si Ciara Sotto. From a very reliable source, may dalawang instances na diumanong nahuli ng aktres ang mister at si Valeen Montenegro, na sa usap-usapan sa social media, si Valeen Montenegro diumano ang tinutukoy na third party.

Sa kanyang huling IG post, pakiusap ni Ciara, hayaan muna siya ng publiko na ayusin ang marital problem nilang mag-asawa.

Pero heto, ang latest at mainit-init pa. Split na rin diumano ang aktor with a bad boy image at ang girlfriend niya kung saan may anak na sila.

Sa simula pa lang, ayaw ng ama ng girl sa lalaki. Mula sa isang prominenteng pamilya ang padir, pero dahil nabuntis na nga ang anak niya, wala nang magawa si Daddy.

Hopefully, mabait na sana si Papa, para safe and sound si aktor kahit waley na sila ni “Baby Girl”.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.