VACC, Nag-Rally sa Harap ng Makati City Jail

NAGSAGAWA NG rally ang mga kasapi ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa harap ng Makati City Jail hinggil sa paglipat kay Janet Lim-Napoles.

Ayon kay VACC Coordinator Annie Jerez, layon ng kanilang prayer rally na bantayan ang kaso ni Napoles at ipanawagan ang pagbuwag sa pork barrel.

Para sa grupo, mas mainam na manatili sa Makati City Jail si Napoles dahil naroon ang kaso nito.

Sa pangunguna ni VACC Chairman Dante Jimenez, umarangkada ang rally dakong alas-9:00 Sabado ng umaga.

Bitbit ng mga raliyista ang mga placard na may nakalagay na “Ibasura ang pork barrel!”, “Janet Napoles, ibalik mo ang pera ng taumbayan!”, at iba pa.

Kinondena rin ng nasabing grupo ang anila’y special treatment kay Napoles.

Nagtagal hanggang kahapon ang rally ng VACC.

Samantala, nailipat na si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.