VACC member, Police Escort, Patay sa Ambush; Isa pa Kritikal

IN-AMBUSH NG mga hindi nakilalang lalaki na armado ng baril ang sasakyan ng isa sa miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption habang patay rin ang isang police escourt nito kahapon ng alas-10:00 ng umaga sa Brgy San Lorenzo, Gapan City.

 Sa inisyal na ulat na natanggap ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Alvin Nieves, kinilala ang nasawing biktima na si Amiel Pascual, nasa hustong gulang, miyembro ng VACC at isang pulis habang sugatan din ang isa pang security ni Pascual.

 Ayon kay P/Sr.Supt. Nieves, isa sa dalawang security guard ni Pascual ang dead-on-the-spot habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pa.

 Matatandaang una nang niratrat si Pascual at kapatid nito ng mga tauhan ni dating Gapan City Mayor Ernesto Natividad sa isang sabungan sa lungsod, dahilan upang maging miyembro ng VACC si Amiel.

 Samantala, patuloy naman ang  malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nabangit na ambush sa biktima.

 (TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.