VACC, Maghahain ng Ethics Complaint Vs Cash Gift

TULOY NA tuloy ang pagsasampa ng reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban kay Senate President Juan Ponce Enrile at iba pang mambabatas kaugnay ng umano’y pamumudmod ng cash gift noong nakaraang Kapaskuhan.

Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, isasampa niya ang kaso, kasama ng ibang miyembro ng VACC, ngayong araw sa Ethics Committee ng Senado bilang tax payers na naagrabyado sa ‘iligal’ na paggamit ng pondo ng bayan.

Sinabi pa ni Jimenez na pangunahing nilalaman ng kanilang reklamo ang umano’y cash gift na pina-lalabas ngayon ni Enrile at ng ilang senador bilang additional maintenance and other operating expenses (MOOE).

Umaabot aniya ito sa halos P30 milyon.

Binigyang-diin naman ni Jimenez na kasama sa complaint ang lahat ng senador na gumagamit ng pondo ng bayan, pero nais aniya nilang gawing testigo si Santiago.

Nais pa nitong panagutin ang Commission on Audit (COA) sa aniya’y hindi agarang pag-aksyon sa isyu ng tamang liquidation.

Samantala, naniniwala si Jimenez na dapat magbago na ang sinasabing tradisyon sa mga mambabatas na hindi pagsusumite ng resibo o tamang liquidation ng mga pondo.

Sakaling hindi pansinin sa Senado ang kanilang reklamo, ihahain ni Jimenez ang kaso sa Ombudsman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.