VACC, Hiling sa SC ang TRO VS Gun Ban

ISINASAPINAL NA ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang mga dokumento upang hilingin sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order (TRO) para alisin ang umiiral na election gun ban.

Ayon kay  VACC Chairman Dante Jimenez, unconstitutional ang gun ban dahil sinasagasaan nito ang karapatan ng ordinaryong mamamayan na proteksyunan ang sarili laban sa krimen.

Hindi aniya makatarungan na tanging ang pangulo, pangalawang pangulo at i-lang matataas na opisyal ng pamahalaan ang binibigyan ng prayoridad na mapagkalooban ng permit para ma-exempt sa gun ban, dahil ang mga ito ay overprotected na ng kanilang security details.

Samantala, na-o-overpower na rin aniya ng mga kriminal ang mga awtoridad kaya marapat na makapagdala rin ng baril ang mga otorisadong force multiplier at responsible gun owners para sa proteksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.