Dahil sa Tagong Yaman GM NG WATER DISTRICT IIMBESTIGAHAN NG OMBUDSMAN

MALOLOS CITY — NAKATAKDANG imbestigahan ng Office of the Ombudsman ang umano’y nakatagong yaman ni City of Malolos Water District General Manager Nicasio” Boy”Reyes, makaraang madiskubre ang mansion nito sa Brgy. Lugam sa lungsod na ito na nagkakahalaga ng mahigit sa P7-M gayong mahigit lamang sa apat na taon palang itong opisyal ng CMWD.

Sa tatlong pahinang dokumento na nakalap ng Pinoy Parazzi na isinumite ng Board of Directors at ni Atty. Imelda Manalaysay sa Ombudsman, nitong Marso 3, 2010, bukod sa milyong halaga ng mansion ni Reyes, nadagdag pa ang tatlong magagarang townhouses sa iba’t ibang subdivision sa nabanggit na siyudad.

Kabilang din ang umano’y dalawang resort na ipinagawa nito sa lalawigan ng Nueva Ecija na nakapangalan sa kanya.

Ibinunyag din sa fact finding report ng board of director’s ang apat na loteng may sukat na 1,502 square meters, bukod pa ang dalawang negosyo sa isang supermarket, at  tatlo pang bagong negosyo sa labas ng gusali ng Bulacan State University, at dalawang magagarang sasakyan.

Ayon sa Board ng CMWD, nakapagtatakang nakapagpundar si Reyes ng ganu’n karaming ari-arian, sa loob lamang ng maikling panahon sa pagiging general manager ng Water District, gayong umaabot lamang sa halagang P245,804,88 pesos ang kita nito kada taon.

Mali rin anila ang nakadeklara sa statement of assets and liabilities (SAL) nito, kung saan ang ipinagawa umano nitong mansion ay nagkakahalaga lamang ng P2-M, samantala mahigit pa sa P7-M ang halaga nito na may pitong unit ng aircon, at hindi rin idineklara ang townhouses at lote sa kanyang SAL.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Dahil sa Tagong Yaman GM NG WATER DISTRICT IIMBESTIGAHAN NG OMBUDSMAN

Leave a Reply

Your email address will not be published.