Tago: Utos ng solon, walang babali

Hindi naman siya hari. Pero kung makautos s’ya sa staff niya, tiyak, walang magkakamaling bumali. ‘Yan ang puna ng mga miron tungkol sa pinagtitsisminsan nilang isang bagito pero may pagka-malditong solon.

Sa tsismis ni Parazzi Chikadora, isa raw bagitong kongresista ang madalas mapansin ngayon ng mga utaw sa Kamara. Ang siste, ilang beses namataan ng mga miron ang kakaibang asal ng solon.

Talo pa raw niya ang may megaphone kung makapag-utos siya sa kanyang staff ‘no. Sigaw kung sigaw ang kanyang moda na para bang mga bingi ang staff niya. Hirit nga ng isa, baka akala ni Solon, eh, nasa kabilang ibayo siya kaya feel na feel niya ang pagsigaw.

Hirit ng isa, hindi na nakapagtataka kung bakit parang laging taranta ang staff n’yang magaganda at sexy. Kasi naman, napag-alamang wala rin pala itong pinipiling lugar. As in, kahit sa harap ng maraming tao, o kahit pa may pulong o pagdinig, kebs lang ito kung sinisigawan ang mga inuutusan n’ya ‘no.

Naturalmente, talo pa ang binuhusan ng malamig na tubig ang mga sexy at beautiful ladies. Ikaw ba naman ang sigawan sa harap ng madlang pipol, baka right there and then, mag-wi-wish ka sa imaginary genie mo na sana bigla kang maglaho.

Dagdag ng isang chikadora, minsan raw, eh, pasigaw nitong tinawag ang isa n’yang seksing staff para lang utusan na bigyan siya ng mineral water. May time din daw na ‘pag nagkakamali ang staff, lalo pa niya itong pinapagalitan. Kaya naman sa sobrang kahihiyan, nagmamadaling lumabas ang inutusan para masunod ang kanyang hindi mababaling kautusan.

Hmff! Mr. Kongresista, ang bata-bata mo pa, ang sungit-sungit mo na! Sabagay, malakas ka naman eh!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.