Utol, utas sa kuya; hipag, sugatan din sa senglot na bayaw

BIGONG MAISALBA ng mga doktor ang buhay ng 40-anyos na sumaklolo sa kanyang asawa na sinaksak ng kanyang nakatatandang kapatid na umano’y lango sa alak, na nagwala matapos makipag-inuman sa Brgy. Carillo, Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng hating-gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt Rolly Santos kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Mario Cervantes Y Robles; habang patuloy namang ginagamot sa Perez District Hospital ang asawa nitong si Nerisa Cervantes, dahil sa tinamo nitong malalim na saksak sa tiyan.

Samantala, agad namang nadakip ang suspek na si Pablo Cervantes, 47 anyos,kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-11:25 ng gabi nang umuwi ng bahay ang suspek na nagsisisigaw, na naging dahilan upang lumabas ng tahanan ang kanyang hipag na biktima, kung saan sinigawan umano nito ang kanyang bayaw ng ‘Matulog ka na, lasing ka na naman’, bagay na ikinagalit ng suspek kung saan agad na kumuha ng patalim at inupakan ng saksak ang asawa ng kanyang kapatid.

Nabatid na sumigaw ang biktima at humingi ng tulong sa asawa, kung saan pinagbalingan naman ito ng senglot na kuya, kung saan sunud-sunod na saksak ang tinamo ng kanyang utol.

Samantala, detenido na ngayon ang suspek sa Hagonoy Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.