Utol, Todas sa Suntok ng Kuya

TODAS ANG isdang empleyado ng City Hall matapos hindi nakahinga nang suntukin sa dibdib ng kuya na nakatalo sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Francisco Barcelona, 41, miyembro ng Civil Security Unit ng Malabon City Hall at residente ng Leonio St., Tañong ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang kuya ng biktima na si Roby, 49, ng Borromeo St., Longos ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-5:30 ng hapon, nagtatalo ang mag-utol sa bahay ng suspek hanggang sa sumakay ng van ang huli at umalis.

Makalipas ang ilang sandal ay bumalik ang suspek at nakita ang biktima na naghihintay ng masasakyan sa Rizal Avenue, Tañong ng lungsod.

Binabaan ng suspek ang kapatid at walang salitang sinuntok sa dibdib na naging dahilan upang hindi makahinga at dalhin sa PLM ng ilang nakakita.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagtatalo ng mag-utol.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.