Utol, Tinaga; Kelot, Nagbigti

SUGATAN ANG isang lalaki matapos itong tagain ng kanyang sariling kapatid sa bayan ng Agno, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Alejandro Sagun, habang ang suspek ay si Johny Sagun, 25, kapwa mga residente sa nasabing lugar.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, lasing ang salarin at hinamon ang biktima kung saan pinagtataga ito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Mabilis na tumakas ang suspek ngunit makaraan ang ilang oras ay nabigla ang lahat dahil nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbibigti sa puno ng ipil-ipil.

Sinasabing posibleng nakunsensiya ang suspek kaya nagawa ang pagpapatiwakal.

Dating alitan ang tini-tingnang motibo sa natu-rang krimen habang patuloy pa rin sa pagsisiyasat ang mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.