Utol ng parak, todas; 2 pa sugatan sa riding-in-tandem

ISANG KAPATID ng pulis ang napatay at dalawa pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang riding-in-tandem sa isang covered court sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Hospital sanhi ng tama ng hindi nabatid na bala ng baril sa ulo ang biktimang si Marvin Gamutia, 35, binata, at residente ng  Block 39, Lot 8, Phase F-1, Salaysalay St., Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Sina Marvin Maraja, 28, scavenger, may-asawa, ng Block 11, Lot 72, Longos, Malabon City; at Erwin Rorado, 16, ng # 14 Malvar St., Tondo, Manila ay parehong nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital sanhi ng tinamong tama ng baril.

Base sa pinagsamang ulat nina SPO1 Joselito Barredo at SPO1 Percival Baldomero, mga nakatalaga sa Caloocan City Police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente ng pamamaril sa DDYC covered court na matatagpuan sa Block 39, Sabalo St., Brgy. 12.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyan nag-uusap sina Gamutia at Maraja at iba pang residente sa nasabing lugar nang biglang dumating ang dalawang suspek kung saan isa sa mga ito ay may hawak ng baril at mga nakasakay sa isang motorsiklo.

Kaagad namaril ang isa sa dalawang suspek sa direksiyon ng mga biktima kung saan si Gamutia ay tinamaan ng bala ng baril sa ulo, si Maraja naman ay tinamaan sa katawan at si Rodano ay tinamaan ng ligaw na bala ng baril sa kaliwang palad habang ito natutulog sa bahay ng kanyang kaibigan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo sa hindi nabatid na direksiyo habang ang mga biktima ay mabilis na dinala sa pagamutan kung saan ang biktimang si Gamutia ay DOA sa Tondo Hospital habang ang dalawa pang biktima ay parehong nakaratay sa JRMMH.

May palagay ang pulisya na ang dahilan ng pamamaril ay “onsehan” umano sa ipinagbabawal na droga.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.