Utol ng CSC Commissioner, Tiklo sa Droga

ARESTADO SA isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA at Malolos Police, ang isang lalaki na umano’y sangkot sa pagtutulak ng ipinagbababawal na droga sa Malolos City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang nadakip na suspek na si Ralph Martinez Y Santiago, 44 anyos, utol ni Civil Service Commissioner Robert Martinez, residente ng Brgy. Canalate sa naturang syudad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis dakong alas-11:30 ng hating-gabi nang madakip ang suspek makaraang magpanggap na poseur-buyer ang isa sa mga pulis.

Nakumpiska mula sa suspek ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Malolos City Jail, habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165.

(TONY DELA PEÑA) 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.