Utang ng NFA, Lumobo ng P30-B

LUMOBO NG P30 bilyon ang utang ng National Food Authority (NFA) noong taong 2010 o anim na buwan bago ang presidential election.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate committee on finance sa hearing ng Senado sa budget ng Department of Agriculture, mula sa P147.5 bilyong utang noong December 2009, tumaas ito ng P176.8 bilyon noong Hunyo 2010.

Kapareho ng increase ang naitala noong 2008 at 2009, dagdag pa ng mambabatas.

Nangyari aniya ang paglobo ng utang ng NFA noong panahon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, mula sa P176.8 bilyong utang, naibaba aniya ito ng kasalukuyang  administrasyon at naging P147.4 bilyon na lamang ngayon.

Nabatid naman na nasa P21.6 bilyon ang borrowing guarantee ng DA sa taong 2013.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.