Utang ng Napocor, lumobo na sa P661-B

NANANATILI PA ring baon sa utang ang National Power Corporation (Napocor) kahit mahigit isang dekada nang naisapribado ang assets nito.

Sa plenary debate ng DoE budget, lumabas na ang utang ng Napocor as of June 30, 2013 ay $15.269 bilyon o katumbas ng P661 bilyon.

Kaunti lamang ang nabawas dito mula noong 2001 nang isapribado ang Napocor assets matapos maisabatas ang Epira Law.

Ang dating utang noon ng Napocor ay $16 bilyon.

Naibenta ang assets ng Napocor at ang kinita rito ay siyang ipinambayad sa utang ng korporasyon subalit kulang na kulang ito.

Nangangamba naman dito si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate dahil baka maibenta ang natitirang 14 na generation assets ng Napocor.

Samantala, aabot sa 43 generation assets ng korporasyon ang naibenta na ng pamahalaan sa pribadong sektor.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.