Utak sa Paglikida sa Negosyante, Ikinanta
Parak, timbog sa patibong

BIGONG MAISAKATUPA-RAN ng isang aktibong pulis ang tangkang pagpatay sa isang negosyante dahil lamang sa pagkakautang sa Brgy. Kamangyanan, San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Insp. Reynaldo Martin kay P/Chief Insp. Richard Caballero, kinilala ang nadakip na suspek na si PO1 Jun Caraan, 31 anyos, nakatalaga sa San Jose del Monte Police Station, habang kinilala naman ang mastermind na si Brgy. Kagawad Allan del Rosario. Samantala, ang biktima naman ay nakilalang si Cecilia Marcelo, 46, ng Brgy. Kamangyanan.

Base sa inisyal na imbestigasyon nina SPO4 Macadangdang at SPO1 Ramos, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ng Pebrero 9 nang dumating ang suspek sa harap ng bahay ng biktima, lulan ng 125 motorcycle bitbit ang cal.38 baril habang iwinawasiwas.

Makalipas ang ilang minuto, umalis ang suspek na si PO1 Caraan. Dakong alas-6 ng umaga, bumalik muli sa tahanan ng biktima ang suspek bitbit ang naturang baril kung saan tangkang papatayin si Cecilia, subalit nakipagkasundo ang biktima na bibigyan na lamang niya ng pera ang suspek kapalit ng pa-ngalan ng tao na nagpapapatay sa kanya. Bagay na sinangayunan ng suspek, kung saan halagang P5,000 ang hiningi nito.

Lingid sa kaalaman ng suspek, ikinasa na ang isang Oplan Pitagan Salikop na entrapment operation sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Sta Clara sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan ng operatiba ng CIDG-CIS na sina CIS Co-Untian, CIS Madlos at CIS Baraquel na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek.

Nabatid na kinasuhan ng Estafa ang mastermind na si Kagawad Del Rosario, dahil sa hindi nito pagbabayad sa kanyang utang na halagang P65,000 sa biktimang negosyante.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa CIDG detention cell sa kasong Attempted Murder, Grave Coercion at Robbery Extortion.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.