Utak ng Pasig City Jailbreak, Dakip Na

KINUMPIRMA NI Eastern Police District Intelligence Division Chief Supt. Remus Medina na hawak na nila ang utak ng nangyaring Pasig City jail break kamakailan.

Kinilala ito ni Medina na si Marlon Palacio, na nahaharap sa ilang kaso ng robbery-holdup.

Sinasabing lumantad nang kusa ang lider ng limang pugante dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan.

Nabatid na dumulog pa ito sa isang kilalang indibidwal para roon sumuko.

Hindi naman sinabi ng PNP kung sino ang naging daan para lumantad si Palacio.

Maaalala na unang naaresto ang isa sa mga tumakas na si Patrick Espinosa, habang patuloy namang nagtatago ang tatlong iba pa.

Dahil dito, muling umapela ang mga kinauukulan na agad makipag-ugnayan sa kanila kung mamamataan sina Manito Rico, Jr. na may kasong panggagahasa; Janred Gamarcia na nahaharap sa iligal na pagdadala ng armas; at Ryan Cayabyab na may kasong pagdadala ng ipinagbabawal na gamot.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.