Utak ng pagsabog sa Basilan, tinutunton ng AFP at PNP

NAGSANIB-PUWERSA NA ANG Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsabog sa isang lodging house sa Basilan, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesman, Lt. Col. Randolph Cabangbang, dakong ala-6:50 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa Spasky Lodging House sa Barangay Matibay sa Lamitan City na pag-aari ng isang Jose Tejada.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na isang improvised explosive device ang ginamit sa pagpapasabog.

Ayon kay Cabangbang, patuloy pa nilang inaalam ang halaga ng pinsala ng pagsabog.

Tinitingnan ng mga awtoridad ang posibilidad ng pagkakasangkot sa insidente ng dalawang lalaking huling nag-check in sa lodging house bago ang pagsabog.

Sinabi ni Cabangbang na ilan sa kanilang sinisiyasat ang posibilidad na may tao sa lodging house na target ng pagpapasabog; may galit sa may-ari ng pwesto o ang mga tumutuloy doon ang mismong nagbitbit ng mga eksplosibo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.