USS Guardian, Natanggal na sa Tubbataha Reef

MATAPOS ANG mahigit 10 linggo, tuluyan nang naalis sa Tubbataha Reef ang huling bahagi ng sumadsad na USS Guardian.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokeswoman Lieutenant Greanata Jude na pinakahuling inalis ang stern ng US minesweeper noong Sabado.

Una nang pinagpira-piraso ang 223-talampakang US Navy ship upang mas mapadali ang pagtatanggal.

Samantala, binanggit rin ni Jude na hindi pa aaalis sa lugar ang salvage team kahit natanggap na ang US minesweeper.

Maaalala na sumadsad ang USS Guardian noong Enero 17 sa Tubbataha Reef dahilan para mapinsala ang bahagi ng bahura na itinuturing nang UNESCO World Heritage site.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.