USEC Puno, nag-resign na

NAGBITIW NA kahapon si DILG Undersecretary Rico Puno matapos na masangkot sa pinakabagong kontrobersiya.

Ayon kay Puno, ang kanyang desisyon ay bilang pagpapakita ng suporta sa desisyon ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na bigyan ng ‘freehand’ si incoming DILG Sec. Mar Roxas.                                                                                                                                            Nagpapasalamat naman ito sa tiwalang ibinigay ng Pangulo at sa pagkakataong makapaglingkod sa bayan.

Naniniwala rin ang nagbitiw na opisyal na nagawa nito nang maayos ang katungkulin bilang DILG undersecretary.

Kasabay nito, inisa-isa ni Puno ang detalye ng kaganapan hinggil sa kanyang pagsasagawa ng pagkakandado sa mga tanggapan ni yumaong Jesse Robredo matapos bumagsak ang sinakyang eroplano noong Agosto 18.

Una rito, maging si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay nanawagan kay Puno na magbitiw na lamang kung may delicadeza pa.

Sinabi ng senadora na hindi na dapat na hinintay pa ni Puno ang anunsyo ng Pangulo na aalisin na ito sa puwesto at papalitan ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome.

Maituturing anyang na-

pakasuwerte ni Puno dahil bagamat maraming akusasyon na ipinupukol sa kanya ay hindi pa rin ito tuluyang sinisibak ng presidente.

Samantala, sa darating na Biyernes ay iimbitahan si Puno na dumalo sa Senate hearing.

Kahit nag-resign na ang opisyal ay nanatili pa rin ang kanilang imbitasyon, ani Santiago.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.