Usapin sa MILF, Gumugulong pa rin – Pnoy

NANANATILI ANG kumpiyansa ni Pangulong  Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na “on-track” ang peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kabila ng pagkaka-delay sa paglagda ng tatlong annexes ng Bansamoro Framework Agreement.

Una nang sinabi ng isang MILF peace panel member na nakakaantala ang pabago-bagong posisyon ng pamahalaan sa usapin ng power at wealth sharing at normalization.

Ayon sa pangulo, tiwala siyang patuloy ang pag-usad ng peace talks sa MILF para sa ganap na kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi pa ng Pangulong Aquino na kapag nangyari, tiyak na sasamantalahin ito ng mga investors at uunlad na ang rehiyon.

“This development comes at a critical time. In the coming years, the economy of Mindanao is set for explosive growth. You all know that we are working steadily with the Moro Islamic Liberation Front to move forward a peace agreement that will lead to both peace and prosperity in the region. When that happens, we can fully expect that more investors will turn to Mindanao—in addition to those that have already found places like Davao and Cagayan de Oro to be lucrative centers of business. Consistent and fairly priced energy will be the factor that will tip the scales in Mindanao’s favor, and ensure its growth—and the well-being of its people—in the years to come,” ani Pangulong Aquino.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.