USAP-USAPAN LATELY ANG tungkol sa isang aktres at isang hunk actor na umano’y nakitang magka-date kamakailan sa isang sosyal na bar sa Makati.

USAP-USAPAN LATELY ANG tungkol sa isang aktres at isang hunk actor na umano’y nakitang magka-date kamakailan sa isang sosyal na bar sa Makati. Intriguing na magkasama ang dalawa since hindi pa naman sila nagkakapareha sa anumang proyekto. At hindi rin naman sila nali-link o identified na close sa isa’t isa.

Pero ang higit na nakakaintriga ay ang pangyayaring nagkulong daw ang dalawa sa restroom ng nasabing bar nang halos dalawang oras. Obviuosly, may milagro si-gurong ginawa ang mga ito dahil bakit gano’n sila katagal sa loob ng CR?

Marami ang nagtataka kung bakit parang nagwawala na raw ngayon ang aktres. May kinalaman daw kaya rito ang isyung on the rocks na ngayon ang pagsasama nila ng kanyang karelasyon?

Hindi pa man kasi humuhupa ang tungkol sa balitang nakunan umano ng CCTV camera ang aktres sa isang establishment na lasing na lasing daw habang naglalakad na kaakbay umano ang non-showbiz guy na nali-link din sa kanya, heto’t isang kilalang hunk actor naman ang sinasabing ka-date niya kamakailan.

Sino ang hunk actor na ito? Pantasya siya hindi lang ng mga kababaihan kundi maging ng mga matrona at bading. Bukod kasi sa guwapo niyang mukha, maganda talaga ang bulto ng kanyang katawan, maputi at flawless ang kanyang kutis. May image itong hindi nagsiseryoso sa relasyon at mahilig lang makipag-fling.

Ang aktres naman, kung panonoorin mo sa mga proyektong nilalabasan niya, napaka-wholesome at respetado ang image. Kaya nga nakapagtataka talaga kung bakit sa mga balitang naglalabasan ngayon about her ay nagpapaka-wild o nagwawala na siya.

Ayaw na ayaw pa mandin niya sa mga hindi marunong maglinis ng kalat. Pero bakit ngayon ay parang siya naman ang nagkakalat?

‘Yun na!

(Ruben Marasigan)

Related Post

loading...

9 thoughts on “USAP-USAPAN LATELY ANG tungkol sa isang aktres at isang hunk actor na umano’y nakitang magka-date kamakailan sa isang sosyal na bar sa Makati.

Leave a Reply

Your email address will not be published.