US talks sa Tubbataha claims, suspendido

IPINAGPALIBAN MUNA ang pag-uusap sa hini-hinging kompensasyon ng Pilipinas sa Estdos Unidos hinggil sa pinsalang idinulot ng US warship sa Tubbataha Reef sa bahagi ng Palawan.

Base sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ginawa ang pagpapaliban ng negosasyon habang nakabinbin ang final decision ng Korte Suprema sa kaso.

Ayon pa kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, mayroon nang “progress” sa pag-uusap sa pagitan ng Washington pero minabuti umanong ipagpaliban ang negosasyon dahil sa nakabinbing kaso sa korte.

“There has been progress in the discussion between the Philippines and US on the issue of compensation for the damage caused by the USS Guardian on Tubattaha Reef. However, certain parties filed a case before the SC relating to the issue. As there is a pending SC case, we would like to refrain from making further comment,” pahayag ni Hernandez.

Una nang binatikos ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang aniya’y “dilatory tactic” ng US government para maka-iwas sa pagbayad ng kompensasyon sa pinsalang idinulot sa Tubbataha Reef nang pagsadsad ng USS Guardian noong nakaraang taon.

Lumalabas sa isang pahayag, iginiit ng senadora na “irrelevant” ang depensa ng Washington na kaya naantala ang compensation payment ay dahil wala pa itong natatanggap na “formal request” mula sa bansa.

Una nang lumabas sa report, nakahanda uma-no ang Estados Unidos na bayaran ang kaukulang kompensasyon sa danyos na idinulot nang aksidenteng kinasangkutan ng US Navy minesweeper, subalit wala pa umanong request para dito ang bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.