US Secretary of State John Kerry, Nasa ‘Pinas

PASADO ALAS-12:00 ng tanghali kahapon nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si US Secretary of State John F. Kerry para sa kanyang two-day visit sa bansa.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez na inaasahan na magkakaroon nang pagpupulong ang US official kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Secretary of Foreign Affairs Albert del Rosario.
Bago ang nasabing pagpupulong, una nang hinarap ni Kerry ang grupo ng mga business leaders sa isang hotel sa Maynila.
Una nang naireport na dadalawin din ni Kerry ang mga residente ng Tacloban City para masaksihan ang ginagawang tulong sa recovery efforts ng US government sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.
Sa ngayon ay umaabot na sa $60-milyon ang halaga ng tulong na naipaabot ng pamahalaan ng Amerika.
Kahapon ay humarap din si Kerry sa media para suma-
got ng mga tanong sa DFA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.