US-RP Balikatan exercises, gagawin sa Sarangani

NAKATAKDANG IDAOS sa bayan ng Glan, lalawigan ng Sarangani ang Joint Balikatan Military Exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino.

Ayon sa provincial government ng Sarangani, kasalukuyang naghahanda na ang dalawang grupo para sa dalawang linggong joint naval exercises.

Napag-alamang dumating na sa bayan ng Glan, Sarangani ang US Navy sa pangunguna ni Capt. Wally Lovely.

Ang joint military exercises ay itinakda sa Hunyo 28 hanggang Hulyo 9 ng kasalukuyang taon.

Noong dekada ‘80, may lumabas na ulat na plano ng Amerika na magtayo ng naval base sa Sumbang Point ng Glan.

Napag-alamang ang Glan ay isa sa mga pook sa Mindanao na mayroong Coast Watch Station, kumpleto sa mga radars at communication gadgets para sa intelligence gathering laban sa mga masasamang loob.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.