US police, naalarma sa pagpasok ng Mexican drug cartel sa ‘Pinas

NAAALARMA ANG mga opisyal ng San Francisco Police sa Estados Unidos sa report na nakapasok na sa Pilipinas ang Mexican Sinaloa drug cartel.

Ayon kay retired Pol. Lt. Eric Quema ng San Francisco Police, kilala ang nasabing sindikato sa pagiging marahas sa nasabing bansa.

Aniya, nakaparaming insidente ng pamumugot at pamamaslang ang ginagawa ng naturang sindikato para iparating ang mensaheng dapat silang katakutan ng mga kumakalaban sa kanila.

Sinabi ni Quema na maging ang mga opisyal ng gobyerno sa Mexico ay hindi pinatatawad ng sindikato.

Dahil dito, dapat na aniyang tutukan ng Philippine National Police (PNP) ang Sinaloa drug cartel para mapigilan ang paglakas pa ng nasabing grupo lalo’t kayang- kayang bumili ng mga ito ng mga lupain at magbayad maging ng mga opisyal ng pamahalaan.

Tiniyak naman ni Quema na handa ang San Francisco Police na magbigay ng mahahalagang impormasyon para matulungan ang PNP.

Samantala, nasa bansa ang ilang miyembro ng San Fancisco Police para dumalo sa taunang exchange program at isailalalim sa pagsasanay ang mga tauhan ng PNP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.