US, Pinakakasuhan sa Pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef

MILLENIUM CLASS suit ang hirit ng Pambansang Lakas ng Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) laban sa pamahalaan ng Amerika dahil sa lawak ng pinsala ng sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha.

Sinabi ni PAMALAKAYA Chairman Fernando Hicap na sa lawak ng pinsala ng pagsadsad ng US Navy minesweeper, apektado na ang kabuhayan ng mga taga-West Palawan hanggang sa Sulu-Celebes Sea.

Tinawag din ni Hicap na ‘environmental massacre’ ang danyos ng pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef dahil aabutin pa ng napakahabang panahon bago maibalik sa dati ang mga nasirang bahura.

Malaki ang magiging epekto sa fish production ng bansa dahil sa pagkasira ng Tubbataha Reef na may higit 300 species ng corals at tahanan din ng 1,500 species ng isda sa buong mundo, dagdag pa ni Hicap.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.