US handang depensahan ang ‘Pinas – Obama

TINIYAK NI United States President Barack Obama na hindi iiwanan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa panahon ng krisis.

Inihayag ng Pangulo ng Amerika sa harap ng sandatahang lakas ng Pilipinas at US sa Fort Bonifacio na pagtitibayin ng dalawang bansa ang alyansang pinagbuklod ng Mutual Defense Treaty higit 60 taon na.

“This treaty means our two nations pledge and I’m quoting ‘Our common determination to defend themselves against external armed attacks so that no potential aggressor could be under the illusion that either of them stands alone,’” pahayag ni Obama.

“In other words, our commitment to defend the Philippines is iron-clad. And the United States will keep that commitment ‘cause allies do not stand alone,” ayon pa sa US President.

Hindi man direktang sinabi ang Tsina, binanggit pa ni Obama na kailangang maresolba ang agawan ng teritoryo ng may kapayapaan at hindi nang paggamit ng dahas.

“We believe that nations and peoples have the right to live in security and peace and have their sovereignty and territorial integrity respected. We believe that international law must be upheld, that freedom of navigation must be preserved, and commerce must not be impeded,” dagdag pa ni Obama.

Maaalala na ni-lagdaan ng dalawang bansa ang 10-taong Enhanced Defense Cooperation Agreement kung saan inaasahang mas darami ang mga tropang Kano sa bansa para tulungan ang Armed Forces of the Philippines.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.