Premiere Shots: US Girls – Silang mga Babae!

SUCCESSFUL ANG KAKATAPOS lang na Us Girls August Awards 2009 noong Huwebes, August 20 sa New Eastwood Mall Open park.  Dagsa ang mga loyal viewers ng show at pati na rin ang mga invited awardees ng iba’t ibang category. Para sa Make-Up Artists of the year, naroon sina Bobby Carlos at Jigs Mayuga para kunin ang kanilang awards at ‘di nakarating sina Krist Bansuelo at Barbi Chan. Si Bianca Santiago ang natatanging awardee na naroon para sa kategoryang Stylists of the Year at ‘di na nakaabot sina Liz Uy, Pam Quiniones at Rey Ilagan. Halos kompleto naman ang mga tinanghal na Most Fashionable Women ng Us Girls na sina Divine Lee, Bianca Valerio, Bea Soriano at Anne Curtis, at tanging si Marie Lozano lang ang wala.

Tinanggap din ni Isabelle Daza ang kanyang award para sa Face of the Year category, at nagpadala na lang ng mensahe si Kim Chiu para sa mga fans na bumoto sa kanya. At ang pinakamalaking parangal ng gabi’ng iyon, ang “Us Girls Icon” Award na napunta kay KC Concepcion. Nandoon mismo si KC at personal na tinanggap ang kanyang tropeyo mula sa Us Girls.  Mapapanood ang kabuuan ng event na ito sa Us Girls ngayong darating na linggo, August 30 sa Studio 23, 7 p.m.

Photos by Mark Atienza

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.