US Defense Secretary, Bibisita sa ‘Pinas

NAKATAKDANG BISITAHIN ni US Defense Secretary Chuck Hagel ang mga bansa sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas sa susunod na linggo.

Kamakailan nang ianunsyo ni Hagel na isang linggo siyang bibisita sa Malaysia, Indonesia, Brunei at sa Pilipinas, pawang bansang sangkot sa maritime disputes sa Tsina.

Dadalo rin si Hagel sa pulong ng mga defense minister ng mga bansang sakop ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Agosto 28-29 sa Brunei kung saan inaasahang tatalakayin ang naturang  isyu sa South China Sea.

Maaalala na nagkasundo ang 10 kasapi ng ASEAN na babalangkas ito ng code of conduct para sa mga hindi pagkakasundo sa nasabing teritoryo.

Plano ni Hagel na makipag-usap din kay Chinese Defense Minister, General Chang Wanquan na dadalo rin sa Brunei.

Mula Hawaii, tutu-ngo ng Kuala Lumpur si Hagel at lilipad patungong Jakarta sa Lunes at Brunei sa Martes.

Samantala, Agosto 29-30 naman inaasahang darating sa ating bansa si Hagel kung saan isa sa mga pinaniniwalaang pag-uusapan ang US military assistance sa Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.