US Defense Deal, Ayos Lang Kahit Walang Approval – Malacañang

KUMPIYANSA ANG Palasyo na kayang-kaya ng DFA legal team na sagutin ang lahat ng pagkuwestiyon sa binubuong Increased Rotational Presence (IRP) Framework Agreement.

Maaalala na maliban sa Constitutionality, sinabi rin ni Sen. Miriam Santiago na kailangan ng Senate ratification sa anumang kasunduan sa US.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, alam daw ng DFA ang pagkakaiba ng executive agreement at treaty na na-ngangailan ng Senate approval o concurrence.

Sinabi ni Valte na tinitiyak ng Philippine negotiating panel na anumang nilalaman ng proposed framework agreement ay sang-ayon sa isang executive agreement.

Tiwala raw ang pamahalaan na alam nila ang mga probisyong dapat iwasan kaya handang ipaliwanag sa kritiko gaya ni Sen. Santiago.

“Hayaan na po natin ‘yung mga—’yung legal po ng DFA at ‘yung mga atin pong senador, at bukas naman po tayo sa pagdi-diskusyon kung ano pa ho ‘yung nangangailangan diyan. Katulad ho ng nakalagay… Nag-release po ng Frequently Asked Questions on the proposed Increased Rotational Presence or the IRP Framework Agreement ang Department of Foreign Affairs, at nandoon po ‘yan isang parte noon. Ayan, number 15: “Does the proposed IRP Framework Agreement need Senate concurrence?” At ang sagot po dito, at babasahin ko po ito. “We are cognizant of what constitutes an executive agreement and a treaty. The Philippine negotiating panel will confine the substance of the proposed framework agreement to an executive agreement.” Ay, handa naman po tayo. Kasi unang-una, aware po ‘yung ating panel kung ano ho ‘yung kanilang guidance, ano ho ‘yung kanilang tinatayuan, at ano ho ‘yung mga dapat iwasan,” ani Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.