UPLB Student, Pinatay ng Kawatan

SINAKSAK ANG isang 19-anyos na estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) matapos pasukin ang mismong bahay nito sa San Vicente, Biñan City, Laguna.

Natagpuan na lamang ng kanyang ama ang biktimang si Maria Victoria Reyes sa kanyang kuwarto na puno na ng dugo bandang ala-1 ng hapon kamakalawa. Dead on arrival na rin ito nang isugod sa Perpetual Medical Center.

Base kay Laguna Police Director Senior Superintendent Fausto Manzanilla, isang Benigno Nayle ang hu-

ling nakita sa bahay ng biktima ayon na rin sa dalawang testigo.

Dati ring residente ng lugar ang suspek, na mayroon ding record sa pulisya ng robbery, physical injury at direct assault. Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang suspek.

Dasal ng Pamilya Reyes ang katarungan para sa kanilang anak. Nakalagak ang labi nito sa Biñan Funeral Homes. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.