Upang mapiling pinakamalinis sa Metro Manila Recom, nanghikayat na linisan ang bawat barangay

HINIKAYAT NI Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang lahat ng opisyal ng barangay at mga residente sa buong lungsod na linisin at pangalagaan ang kanilang kapaligiran upang mapili itong “cleanest barangay” na patimpalak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa buong Metro Manila.

Kasabay nito, inatasan na rin ni Echiverri ang mga tauhan ng Environment Sanitation Services (ESS) na agad na magsagawa ng information campaign sa buong lungsod upang malaman ng mga residente at opisyal ng barangay ang gaganaping paligsahan.

Ang paligsahang ito na pinangunahan ng MMDA ay naisakatuparan sa pamamagitan na rin ng pakikipagtulu-ngan ng Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation, Inc. (MMMSFI) na layuning mahikayat ang lahat ng barangay na panatilihing malinis ang kanilang lugar.

Kasama ang kabuuang 1,705 barangays sa buong Metro Manila kung saan ay hahatiin sa apat na kategorya ang paligsahan, depende sa kanilang lupang nasasakupan at kita ng bawat kasaling barangay.

Kabilang sa unang kategorya ay ang mga barangay na may land area na 300 hanggang 500 hectares at may income na P35 million pataas; ang ikalawa naman ay ang mga barangay na may land area na 100-299 hectares at may kita na P20 hanggang P35 million; ang mga barangay naman na may sukat na 1 hanggang 99 hectares at may kitang P19 million pababa ay kabilang sa ikatlong kategorya samantalang sa pinakahuling kategorya ay kasama ang tinatawag na village-barangays.

Ang mga pamantayan sa gaganaping “search for cleanest barangay” ay ang mga sumusunod: kawalan ng kalat at basura sa sidewalks, streets, drainage, esteros at kanal; pagpapatupad ng city/municipal ordinance sa anti-littering/illegal dumping; paghuli sa mga nagkakalat ng basura at ang pagsunod sa mga probisyon ng Republic Act 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Bawat kategorya ay may mapipiling barangay na mananalo kung saan ay makakatanggap ang mga ito ng halagang P1 million at plake at gaganapin ang awarding sa November 7 ng kasalukuyang taon kung saan gaganapin ang anibersaryo ng MMDA.

Magkakaroon din ng dalawang elimination round, ang una ay kabilang ang buwan ng April hanggang June habang ang ikalawang round ay sa buwan ng July hanggang September, samantalang ang final round naman ay sa buwan ng October at ang mapipiling panalo naman ay malalaman sa October 31, 2012.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.