Upang mabawasan ang pagkamatay ng ina at sanggol RH Bill, hiniling na ipasa na

HINILING NG iba’t ibang sektor na nagsusulong ng responsableng pagmamagulang sa Mababang Kapulungan na pagdebatihan at pagbotohan na ang Reproductive Health Bill dahil sa samu’t saring suliraning dulot sa mga ina, kababaihan at kabataan bunsod ng kawalan nito.

“PNGOC together with various organizations and sector which include the interfaith group, Commission on Population (POPCOM) and the Reproductive Health Advocacy Network (RHAN) and the RH advocates are calling on congress to deliberate and put the bill into voting now and not later. Senators and Congresspersons should show their full support to the RH Bill to manifestly express their political will,” ayon kay Dr. Even R. Divinagracia, Executive Director ng Philippine NGO Council for Health and Welfare (PNGOC).

Ayon sa ulat ng DOH-CHD NCR na inilathala sa isang pahayagan nitong Feb 18, 2012, 50 ina na namatay sa panganganak ang naitala nitong Enero 2012. nabatid na ang nasabing mga insidente ng pagkamatay ay dulot ng ‘di tamang impormasyong pang-reproductive at mga serbisyong kinakailangan upang tumugon sa mga kumplikasyon.

Paniwala ng PNGOC at ng iba pang sektor na ang pagpasa sa RH Bill bilang batas ay makapagsusuporta sa komprehensibong mga programa at serbisyo gaya ng tamang edukasyong pang-sekswal, pagpaplano ng pamilya, post-abortion care, paggamot sa ilang sakit pang-gynecology, mga impeksyon gaya ng HIV-AIDS, kanser, sekswal na karamdaman at kalusugan ng ina at sanggol.

(MJ BALAGUER)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.