UP student, pumalag; pinatay ng holdaper

ISANG AGRICULTURE student ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) ang nasawi nang  saksakin ng isa sa mga holdaper na lulan ng motorsiklo sa gate ng naturang unibersidad.

Ayon kay Los Baños Police Chief, Dante Novicio, dead on arrival sa Los Baños Doctors Hospital ang biktimang si Ray Bernard Penaranda, 19-anyos ng Tanay, Rizal.

Saksak sa dibdib ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Ala-1:30 ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente sa F. Santos St., Brgy. Batong Malaki.

Pauwi na ang biktima sa kanilang apartment kasama ang kanyang kaibigan nang harangin ng mga holdaper paglabas ng campus.

Pumalag umano ang biktima kaya ito sinaksak sa dibdib ng isa sa dalawang suspek habang naka-takbo naman ang kasama nito para humingi ng tulong.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.