UP student, ginahasa na, pinatay pa

ISANG 19-ANYOS NA estudyante ng University of the Philippines – Los Baños ang ginahasa saka pinatay sa Los Baños City, Laguna.

Kinilala ang biktimang si Given Grace Cebanico, Computer Science student sa nasabing unibersidad.

Natagpuan ang katawan ng biktima na walang saplot sa isang masukal na bahagi ng Barangay Puthotuntungin kamakalawa ng umaga partikular sa kanal na malapit sa Institute of Plant Breading Road.

Ayon kay Los Baños Police Director, Chief Supt. Dante Novicio, isang tama ng baril ang kumitil sa buhay ng dalaga.

Nakagapos, binusalan ng masking tape at may tama aniya ng bala sa noo ang dalaga nang matagpuan ng mga awtoridad.

Puro pasa rin ito sa katawan at hinihinalang ginahasa bago pinatay.

Samantala, sinabi ni PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na hihintayin pa ang resulta ng post mortem upang  matukoy kung nilapasta-ngan ang puri ng dalaga.

(EUNICE CALMA)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.