UP-Manila Students, Nag-Walk Out sa Klase; PGH, Puwersahang Pinasok

NAG-WALK OUT sa klase ang ilang estudyante ng University of the Philippines (UP) Manila sa pagpapatuloy ng kanilang protesta kaugnay ng pagpapatiwakal ng kap-wa-Iskolar ng Bayan na si Kristel Tejada.

Sa ikalawang araw ng inilunsad na black protest, pilit pinasok ng mga raliyistang mag-aaral ang compound ng Philippine General Hospital (PGH).

Nabigo ang mga guwardya ng nasabing ospital na maharang ang may 30 estudyanteng naka-itim at pumuslit hanggang ground floor.

Target ng nasabing grupo na mapasok ang tanggapan ng UP Manila administration na nasa PGH upang ituloy ang itinakdang dayalogo sa mga estudyante.

Una nang kinansela ng pamunuan ang dayalogo, dahil walong estudyante lamang ang gusto nilang makausap kaugnay ng aberya sa tuition fee na nagtulak umano kay Tejada na magpakamatay.

Pero iginigiit ng mga estudyante na dapat ay harapin ng mga opisyal ang lahat ng mag-aa-ral. Hinihiling din nila na maibaba ang matrikula sa unibersidad.

Samantala, nagkar-oon pa ng tulakan sa pagitan ng mga estudyante at guwardya, at napigil lang ng huli ang mga raliyista pagsapit sa Office of the Director.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.