UP employee, ginahasa na, pinatay pa ng mga manyak na holdaper

 

KARUMAL-DUMAL ANG SINAPIT sa kamay ng dalawang holdaper ang isang dalaga na empleyada ng University of the Philippines Hotel makaraang holdapin ito, gahasain at patayin kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hubo’t hubad at wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Jee-Ann de Guzman, 26, Marketing Department sa University Hotel, UP Diliman, Quezon City at residente ng # 3664 Vanguard St., Brgy. 178, Camarin, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Erik Macaraan, nasa hustong gulang, ng Phase 6, Kiko, Brgy. 178, Camarin, Caloocan at isa pang kasamahan nito na ‘di pa nakikilala na mabilis na nagsitakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Vanguard St., Brgy. 178, Camarin cor. Jasmin Sts., Capitol Park, Brgy. 179, ng nasabing lungsod.

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar pauwi sa kanilang bahay nang sumulpot sa kanyang likuran ang mga suspek na armado ng baril at tinutukan ito sabay deklara ng holdap.

Dito, kinaladkad ang biktima sa damuhan kung saan naroon din ang nauna nilang nabiktima na si Jerry Manioto, 20, binata, technician, ng # 7244, Petchayan, ng nasabing barangay, na nakatali ang mga kamay, may busal ang bibig at walang saplot.

Ganun din ang ginawa kay de Guzman, nang makuha ang bag ng mga suspek ay tinanggalan ito ng saplot sa katawan at binusalan ang bibig habang ginagahasa.

Ayon kay Manioto, nakita nito ang ginagawa kay de Guzman subalit wala itong magawa dahil nakatali ang kanyang mga kamay at wala siyang saplot.

“Pilit pong nanlaban si de Guzman at habang ginagahasa siya ay nagsisigaw kaya po sa tuwing sumisigaw siya ay sinasakal naman siya ng mga suspek dahilan upang bawian ito ng buhay,” ani pa ni Manioto.

Nang malaman ng mga suspek na wala nang buhay ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga ito sa ‘dimalamang direksyon habang tumungo naman sa nasabing himpilan ng pulisya si Manioto para humingi ng tulong at nang respondehan ay wala nang buhay si de Guzman.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.