Unpaid Condo Bills ni Not-So-Young Actor, binayaran ni Aktor-Aktoran!

SIPAT: TIGILAN na raw ang PANG-IINTRIGA kay KC CONCEPCION, PAKIUSAP ni PIOLO PASCUAL.
EKLAT: Kung HINDI TUMALAK si KC, WALANG ISYU!

SIPAT: Huwaattt?! IPINAGBAWAL ang PRESS sa STUDIO ng THE BUZZ?
EKLAT: Ang TAWAG d’yan… MEGA POWER!

SIPAT: Nagda-DAMAGE CONTROL yata ang KAPAMILYA sa INTRIGA kay KC.
EKLAT: SWEET nga naman ang IMAGE ng DAUGHTER ni MEGA… at HINDI pang-KONTRABIDA!

SIPAT: NADUKUTAN daw ng WALLET at CHECKBOOK si VICKI BELO sa CONCERT ni USHER. HINDI NAKUHA ‘yung CELLPHONE niya.
EKLAT: Kaya WALANG KAKALAT na ALAM-NYO-NA-VIDEO!

SIPAT: BREAK na ba TALAGA sina PIA GUANIO at VIC SOTTO?
EKLAT: HINDI pa yata… BINAWI ni TIM YAP ang ‘SCOOP’ niya, e!

SIPAT: ANO naman kung BREAK na sina VIC at PIA?
EKLAT: TEEN LOVETEAM ba sila?!

SIPAT: SINO si ‘MR. M’ na LOVER daw ni RUFA MAE QUINTO?
EKLAT: ITANONG na lang daw kay MIKEY ARROYO kung siya ‘yon. DARE ANYONE?

SIPAT: BAKIT ba NAPAKAMISTERYOSO ng LOVER ni RUFA MAE?
EKLAT: PAIMBESTIGAHAN nga ‘yan sa SENADO at KONGRESO!

SIPAT: Sa WAKAS, NAYAKAP na rin ni PATRICK GARCIA ang ANAK niya kay JENNYLYN MERCADO!
EKLAT: PUWEDE nang SUNDAN!

SIPAT: HINDI naman daw APEKTADO ang TRABAHO ni BARON GEISLER sa mga ISYU sa kanya.
EKLAT: OO NAMAN! ‘Yung mga NAKAKATRABAHO niya lang ang APEKTADO!

SIPAT: GUSTO raw ni RICHARD GUTIERREZ na PRIBADO ang RELASYON nila ni JEWEL MISCHE.
EKLAT: Kaya ‘WAG nang LAGYAN ng LOVE ANGLE ang PAGTATAMABAL nila ni ANNE CURTIS. LUMANG STYLE na ‘yan!

SIPAT: ‘Si [AKTOR-AKTORAN] ang NAGBAYAD ng UNPAID BILLS ni [NOT-SO-YOUNG-ACTOR] sa TINITIRHAN niyang CONDO,’ tsika ng isang MAHADERA. ‘HINDI siya makapagde-DENY, NAKAPIRMA siya sa TSEKE!’
EKLAT: So, SILA PA RIN pala?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Unpaid Condo Bills ni Not-So-Young Actor, binayaran ni Aktor-Aktoran!

Leave a Reply

Your email address will not be published.