Unlike the ‘snubbish’ Justin Bieber: Martin Nievera, willing to die for his fans!

“I WOULD DIE for my fans! One fan means everything to me! For me, I would die for them if I have to, because I know that they would die for me!”

Ito ang naging kataga ni Concert King Martin Nievera nang matanong sa isyu regarding Justin Bieber na tinabig ang kamay ng isang Pinoy fan na nagpapa-sign sa kanya ng authograph sa presscon ng Gary Valenciano and Martin Nievera AS 1 North America Concert.

Ayon kay Martin, dapat daw ay nakuwento kay Justin kung ano ang kulturang Pinoy at kung gaano ka-diehard ang mga Pinoy Fans sa kanilang mga hinahangaang celebrity. Ibang klase raw ang Pinoy fans kung magmahal ng artista o performer na katulad niya kaya nga handa raw itong mamatay para sa kanyang mga tagahanga.

Dagdag pa ni Martin na ang mga fans daw ang magluluklok sa ‘yo sa rurok ng tagumpay at sila rin ang magpapabagsak sa isang artist/performer. Kaya naman daw everytime na may concert siya o show ay binibigyan niya ng halaga ang kanyang mga tagahanga.

Ang pagmamahal at pagpapahalaga sa fans ang isa sa dahilan kung bakit maganda pa rin ang estado ni Martin sa industriya, dahil hanggang ngayon ay solid pa rin ang suporta ng mga ito sa mabait at magaling na mang-aawit.

 

HINDI RAW PANSIN ng star ng Sisid, na nakatakdang mapanood sa May 30 sa GMA-7, na si Jackie Rice ang sobra-sobrang hirap na kanyang dinaanan sa kanyang pinagbibidahang palabas.

Ayon kay Jackie, halos magkasugat-sugat daw siya everytime na sisisid siya sa dami ng corals na tumatama sa kanyang balat, pero deadma lang daw siya rito dahil gusto niyang mapaganda ang kanilang show.

At kahit nga lagi siyang nagkakasakit dahil lagi siyang babad sa tubig, okey lang daw kay Jackie, dahil gusto lang daw nitong ibalik sa pamunuan ng GMA-7 ang pasasalamat sa magandang proyektong ibinigay sa kanya. Kaya naman daw kahit anong mangyari ay ang ikakaganda lang ng show nila ang nasa isip niya.

Excited na nga raw itong mapanood ang kanyang show dahil dugo’t pawis daw ang pinuhunan nila para mas lalong mapaganda ang Sisid. Makakasama ni Jackie sa Sisid sina JC Tiuseco, Ian Batherson at Dominic Roco bilang mga leading men nito.

 

MARIING PINABULAANAN NI Marian Rivera na pinakikialaman ng kanyang bf na si Dingdong Dantes ang kanyang pagpili at pagtanggap ng proyekto .

Tsika ni Marian na may kanya-kanya silang manager na nag-dedesisyon kung anong proyekto ang kanilang gagawin. Ang mga ito raw ang nagmamaniobra ng kanilang career. Nag-uusap lang daw sila ni Dingdong kung anong bagong proyektong gagawin nila, hanggang doon lang daw.

Pareho daw silang very supportive sa kani-kaniyang career, iba naman daw ang relasyon nila outside the business, hinihiwalay raw kasi nila ang trabaho sa pribadong buhay nila. Katulad sa Amaya na medyo sexy ang role ni Marian, kung saan topless siya, na okey lang kay Dingdong dahil hinihingi naman ng istorya .

 

NAG-ENJOY NANG HUSTO ang Tween Hearts at Walang Tulugan with The Master Showman mainstay na si Teejay Marquez sa kanyang pangalawang pag-escort sa Flores De Mayo sa Leveriza sa pangunguna ni Hermana Mayora Maria Theresa Palado, habang naging host naman ang napakabait na si Jesse Nell. Una na kasing nag-escort si Teejay sa Mall Of Asia.

At kahit nga raw malayo ang nilalakad ni Teejay sa tuwing escort ito sa Flores De Mayo, okey lang daw dahil isa raw ito sa paraan para mas mapalapit siya sa kanyang mga fans na pumupunta sa tuwing nag-e-escort siya.

Naging escort si Teejay at ang modelong si Jolo Baretto sa napakagandang Hermana Segunda na si Mary Joyce Palado Pascua na anak nina Mr. and Mrs. Mark and Jennifer Santiago na suot ang napakaganda at eleganteng gown na habi ni Nikki Martinez na siya ring gumawa ng suot ni Teejay. Ilan sa sumagala sina Jelaine Palado Pascua Hermana Primera at nakakabatang kapatid ni Mary Joyce, at nag-escort naman ang guwapitong si JM Ponce ng Malabon.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Unlike the ‘snubbish’ Justin Bieber: Martin Nievera, willing to die for his fans!

  1. im actually wondering why Justing Bieber is so popular he’s not talented his voice sucks bigtime..I think because of his baby face and voice considering his age but lets see his relevance in show business 4years from now as he goes matured

  2. Don’t worry pipz.. naKARMA na si justine keber dahil inisnub sya at ipinaharang ng security ni Rihanna sa katatapos na 100 Billboard Music Awards. Below is the excerpt from PEP report:

    “Justin Bieber was blocked by security when he tried to talk to Rihanna at the Billboard Music Awards on Sunday (May 22).

    The 17-year-old singer—who was accompanied to the bash by girlfriend Selena Gomez—was reportedly left red-faced after he was prevented from talking to the “S&M” star after he approached her five times at the prestigious event, which took place at Las Vegas’s MGM Grand Garden Arena.”

    Ang bilis talaga ng KARMA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.