Unkabogable Vice! Todo Suporta from friends!

UNKABOGABLE TALAGA ANG second concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum noong July 1 na may titulong Vice Ganda: Todo Sampol sa Araneta. Nakakawindang ang ginawang paglalambitin ni Vice habang kumakanta para sa opening number ng kanyang concert. Kinanta ni Vice Ganda ang “Hanggang” habang nagpi-piano naman si Papa Xian Lim. Nagpa-cute naman ang komedyante sa batang aktor na siyang kinatuwa ng audience. Pinaakyat din ni Vice sina Papa Kean Cipriano at Papa Jon Avila. Agad nagtilian ang mga tao ng “Kiss! Kiss!” Ha-ha! Nakipagpatalbugan naman sa kaseksihan ni Cristine Reyes sa kanyang belly dancing segment habang sinayaw naman ng ating bida ang tinawag niyang Kama Sutra dance. Surprise guests ng gabing ‘yon sina Papa Coco Martin na nag may-I-sing ng ‘’Paano na Kaya” at si Papa Derek Ramsay na nag-topless pa, huh! Si Toni Gonzaga naman eh, nakasuot ng gold cocktail

dress kaya’t niloko siya ni Vice na mukha itong poon. Kaloka! Huling birit ni Vice ang slow version ng “Lakas Tama” with Mandaluyong Children’s Choir. Nagbigay rin ng bonggang performance sina Papa Billy Crawford at Papa Enchong Dee. Samantala, nakorner ng aming kamerang-gala ang ilang taartits na

nagbigay ng kanilang todo suporta sa award-winning comedian. Ano kaya ang masasabi nila?

 

Photos by Mark Atienza

By MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Unkabogable Vice! Todo Suporta from friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published.