Units Ng Bus Firm Sa Aksidente Sa Nueva Ecija, Sinuspinde

PINATAWAN NG 30 araw na suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang siyam na unit ng Victory Liner, kasunod ng kinasangkutang aksidente sa Nueva Ecija, na ikinasawi ng siyam na katao.

Sa ipinalabas na suspension order ng LTFRB, saklaw nito ang mga bus units ng naturang kumpanya na may biyaheng Manila-Isabela province.

Kaugnay nito, pinasusurender ng nasabing kagawaran sa operator ng bus company ang plaka ng nabanggit na mga bus.

Matatandaan na kamakalawa ng madaling-araw, siyam na katao ang namatay matapos magsalpukan ang bus at isang fuel tanker sa bahagi ng Muñoz sa nasabing lalawigan. Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, sinasabing may iniwasang motorsiklo umano ang bus dahilan para magkaroon ito ng head-on collision sa kasalubong na tanker. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.