Unemployment sa CAMANAVA, Tutugunan

PINANGUNAHAN NI Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang ginanap na pagtitipon ng mga guidance counselors sa buong CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) area na layuning mabigyan ng solusyon ang unemployment rate sa bansa.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Echiverri sa mga tauhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa ginawa nitong pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang programang ito.

Ayon kay Echiverri, ang pagtitipon ng mga guidance counselors ay naganap noong April 27 ng taong kasaluku-yang sa Bulwagang Katipunan na nagsimula dakong alas-8 ng umaga at nagtapos bandang alas-5 ng hapon.

Kabilang naman sa mga nagsalita sa ginanap na workshop ay sina Bureau of Labor Employment (BLO) Officer II Ryan Robert delos Reyes, DOLE-CAMANAVA Field Director Andrea Cabansag at Career Advocate Life Coaches of Mentors Network (CALMN) President Dr. Amelia Lacsamana.

Sa pamamagitan ng temang “Orientation/Workshop on Career Employment Coaching for Guidance Counselors”, binigyang-linaw rito ang “Project JobsFit: The DOLE 2020 Vision” kung saan tinalakay kung paano mabibigyan ng solusyon ang tumataas na bilang ng unemployment rate sa bansa pagdating ng taong 2020.

Ilan din sa mga tinalakay sa ginanap na workshop ay ang problemang kinahaharap ng bansa pagdating sa trabaho tulad ng “job mismatch”, patungkol sa mga empleyadong hindi akma ang trabaho sa kanyang tinapos na kurso sa kolehiyo. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.