Underage no more!

The babies are now ladies nga naman. Handang-handa na talaga ang mga dating pa-tweetums na sina Melissa Ricks, Empress Shuck, at Lauren Young para sa matured roles, huh! Imagine mga kaparazzi, sila lang naman ang gumaganap ngayon sa TV remake ng 80’s movie na Underage na pinagbidahan noon ng mga bagets pang sina Dina Bonnevie, Maricel Soriano, at Snooky Serna. Matagal-tagal ding tatakbo sa ere ang Your Song Presents Underage na pinagbibidahan ng tatlong bagets ng Dos. Unang patikim pa lang ito para sa mga susunod pang TV remake ng mga nakakakilig na pelikula noong 80’s gaya ng Blue Jeans, Katorse, at 14 Going Steady.

Kung nakapanood na kayo ng episode nitong Your Song, aba hindi makakaligtas sa inyong mapanuring obserbasyon na ready na itong ating Star Circle Questor na si Melissa sa mga sexy roles. Yes, medyo may pagka-daring nga ang role nitong on-screen partner ni Matt Evans, huh! Kunsabagay, keribels naman ng lola n’yo ang role na dating ginampanan ni Ms Dina Bonnevie. Siyempre pa, sisterettes niya rito sina Empress at Lauren.

Speaking of maturity, nakow, tiyak hindi lang sina Melissa, Empress, at Lauren ang nag-mature sa palabas na ito kundi pati na rin ang kanilang acting. Baka hindi lang ang kani-kanilang mga kapareha ang mapapa-wow sa kanila. Kita n’yo naman, underage no more na sila, sa halip ay hot and sizzling ladies na. Wadyasay beybeh?

Photos by FERNAN SUCALIT
by Jean Oli

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.