Unang sigwada ng kampanya, boring
Habulan ng Kandidato, ‘Di ng Botante

WALANG KASIGLA-SIGLA para sa isang political analyst ang unang bugso ng kampanya ng mga senatorial at party-list group candidates.

Ayon kay Institute for Political and Electoral Reform (IPER) Executive Director at Professor Ramon Casiple, tila nakatutok pa lang mga partido sa line-up ng mga kandidato, hindi sa paghahabol ng boto.

“Ang tawag diyan boring. Walang masyadong isyu na inilabas. ‘Yung mga isyu na inilabas basically, habulan ng kandidato eh, hindi habulan ng botante.”

Tinukoy pa ni Casiple ang isyu ng guest candidates na sina Senator Loren Legarda, Chiz Escudero at dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Grace Poe.

Nakita na anya niya dati na magiging problema ito dahil hindi papayag ang Liberal Party (LP) na umakyat sa entablado ng United Nationalist Alliance (UNA) ang tatlo.

Kaugnay nito, naniniwala si Casiple na posibleng tuluyang iiestsapwera sa UNA sina Escudero, Legarda at Poe.

Para kay Casiple, mainam na tumutok ang malalaking partido sa paglalatag ng kanilang programa at plataporma kaugnay ng mga tunay na problemang kinakaharap ng mga Pinoy.

Umaasa rin si Casiple na  ihihinto na ng LP at UNA ang bangayan sa mga isyung hindi naman makakapagpabago sa sitwasyon ng taumbayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.